IE (Internet Explorer) Browser users has some problem on opening the site. Please bear with me when I repair the problem. Tnx Po!
Powered by MaxBlogPress 

Archive for August, 2009

Ang Kwintas Chapter 3

31.08.2009
11:45

Tinitingnan ko ang oras habang inaayos ang mga applications. Iniisip ko baka naghihintay na si Jonas sa may gate.

Blanco, pwede bang tapusin mo na muna iyan bago ka umuwi? Konti na lang naman iyan,e. Please.” Paglalambing na tanong sa akin ng commandant namin.

Sir, yes sir” Sagot ko naman.

Nagring na ang bell. Nagsiuwian na ang mga kasama namin sa office. Nagpaalam na si Anne na mauuna na siya dahil may pinapadaanan ang lola niya. Narinig ko na dumating ang bestfriend ni JC kasi ang lalakas ng tawanan ng dalawa. Naiinis tuloy ako kaya binilisan ko ang ginagawa ko ng makauwi na.

Hi Gem” bati sa akin ni Crystal ang bestfriend na babae ni JC

Hello” Sagot ko naman.

May bagong batchoyan dyan sa may kanto. Sama ka sa amin?” Paanyaya ni Crystal.

Ha? Hindi na.” Tanggi ko. Ayaw ko naman na maging sagabal sa kanilang dalawa.

Sige na. Libre ko naman,e. Papayag na iyan.” Pangungulit ni Crystal.

Madami pa kasi akong ginagawa baka matagalan pa ito. Ayoko naman na maghintay kayo.

Ok lang iyan. Sige tulungan kita.” Kinuha niya ang mga dapat ilagay sa cabinet at saka tumulong na din sa pagsort ng mga papers.

Pagkatapos namin ay pumunta na kami sa may batchoyan. Nang nasa may pintuan na kami ay bigla ba namang nagpaalam si Crystal. Nagpanic ang utak ko. Ibig sabihin kami lang ni JC ang kakain. Paano na ito? Hindi pwede.

Halika na.” Anyaya sa akin ni JC at binuksan pa ang pinto.

Salamat.” Nahihiyang tugon ko.

Nag-order na kami. Ni wala man lang gustong bumasag ng katahimikan. Kahit tapos nang mag-order ay sa menu pa din nakatingin si JC. Ako naman ay binibilang ko sa aking utak ang mga sasakyan na dumadaan.

Ganda naman ng kwentas mo.” Narinig ko na sabi ni JC.

Salamat. Bigay sa akin ng uncle ko nuong nagbakasyon kami sa Bohol.” Sagot ko. “Mahalaga sa akin ito. Parang good luck charm ko kung baga.

Bagay sa iyo.” Puri ni JC na ikinakilig ko. “Pwede ba akong pumunta sa inyo?” Seryoso niyang tanong.

Si JC pupunta sa amin. Lagot na talaga ako sa mama ko nito.

Hindi pwede,e. Ayaw kasi ng mama ko na may nakikitang lalaking lumalapit sa akin. Strict kasi ang mama ko. Kung papa ko okay lang pero hindi talaga pwede sa mama ko. Pasensya na.” Hingi-paumanhin kong sabi.

Ok lang iyon. Naiintindihan ko. Nagkaboyfriend ka na ba?

Ha?” Sinisigurado ko kung tama ang narinig ko. Parang nabingi yata ako sa lakas ng kabog ng dibdib ko.

Naku hindi pa. Sa panaginip siguro. Hehe” Biro ko sa kanya.

Kimi siyang ngumiti. “May mga nanligaw na ba sa iyo?

Grabe naman kung makatanong si JC o, straight to the heart. Parang natutuyuan ang lalamunan ko. Titig na titig siya sa akin. Parang naghahamon na sagutin mo na ang tanong ko.

Meron naman. Pero ayoko pa. Bata pa ako no. Ayoko pa ng mga ganyang bagay. Aral muna ako.” Sagot ko sa kanya.

Mabuti naman. Tama ka nga naman.” Sang-ayon na sabi ni JC pero sa kaloob-looban ni JC ay nagpapasalamat siya. Ibig sabihin iyong lalaking nagpunta sa office kanina ay hindi boyfriend ni Gem. Ibig sabihin malaya si Gem sakaling maglakas loob siya na ligawan ito.

Andito na pala ang batchoy. Kain na tayo.” Anyaya ko sa kanya. Habang kumakain ay ang dami naming napagkukwentuhan. Tungkol sa kanya, tungkol sa akin. Naging kampante akong kasama siya. At least this time, walang nanunukso, walang sigawan. Tahimik ang paligid.

Pagkatapos naming kumain ay nagpresenta siyang ihatid ako pero sinabi ko sa kanya na hindi pwede at magagalit ang mama ko. Hindi na lang siya nagpumilit.

Kinabukasan ay nasa training ground kami at natanggap na ng office ang waiver ni Jonas kaya nakasali na siya sa sumunod na training. Hindi man lang ito ngumiti sa akin. Parang galit ata.

Sinabi ng commandant na mag-one on one training kami. Tinawag na ang pangalan ng officer at sino ang trainee na makakapartner namin.

1st Lieutenant Gemma Blanco pair with cadet trainee Jonas Robles” Sabi ng commandant na ikinakaba ng dibdib ko. Nakita ko sa sulok ng mata ko na napangisi si Jonas. Kainis naman o, bakit si Jonas pa.

Lagot ka sa akin ngayon. Inindyan mo ako kahapon. Sabi ni Jonas sa sarili. Hinintay kasi niya si Gem sa may gate kahapon at hindi man lang ito dumaan duon. Dalawa kasi ang gate ng school. Duon siya sa may main gate naghintay kaya di niya nakita na sa may likod na gate pala dumaan sina Gem kahapon. Nang pauwi na siya ay nakita niya si Gem na  kasama ang isang kaofficer nito na masayang kumakain. Hindi man nangako si Gem na makikipagkita ito sa kanya sa may gate ay umasa pa din siya na dadaan ito duon.

Cadet Robles, follow me” sabi ko na lang kay Jonas dahil sinabi sa amin ng commandant na kami na ang pumili ng lugar.

Yes maam. Kahit saan ok ako.” May ibig sabihin na sagot ni Jonas pero di ko pinansin.

Trenain ko na siya ng mga basic katulad ng paano ang tamang salute, marching, liko sa kanan, liko sa kaliwa. Mga basics ng training. Pagkatapos ng training ay idinismiss na kami ng aming commandant. Pumunta ako sa may office para kunin ang mga gamit ko. Wala nang tao sa office at sa school naman ay mangilan-ngilan na lang. Hindi ko alam na sinundan pala ako ni Jonas. Nang makapasok na ako sa may office ay bigla ba namang hinablot ako, tuloy napayakap ako sa kanya.

Hi Maam” Nakangising bati nito.

Ba’t andito ka pa?” Gulat kong tanong sa kanya at nagpumiglas akong kumawala sa kanya.

Wala lang gusto ko lang malaman kung bakit mo ako inindyan kahapon?“ Tanong ni Jonas.

Nagregister sa utak ni Gem. Tama! Naghihintay pala si Jonas sa may gate kahapon. Iyon ang iniisip niya bago pa siya yayain ni Crystal. Nakalimutan niya kasi kasama niya si JC.

Ha? Hindi ko naman sinabing darating ako ah. Tsaka ang dami kong inayos kahapon. Natagalan ako ng pag-uwi.” Pagdadahilan ko.

Umalis ka na nga dito baka isipin pa ng mga makakakita na naglalandi ako. Go na” Pagtataboy ko sa kanya.

Pagkaalis ni Jonas ay umalis na din ako.

Nang makita ni JC na umalis na si Gem ay pumasok siya sa office.Ilalagay niya sana sa may mesa nito ang sulat na ginawa niya para rito ng may  nakita siyang kumikintab-kintab sa may sahig. Nang kanyang pulutin ay familiar ang kwentas na iyon.

Next Chapter:

“Sa susunod na linggo ay walang pasok dahil aatend lahat ng titsers ng seminar sa Cebu. Babawiin na lang natin ang mamimiss na mga lessons by having weekend classes.” Sabi ng titser adviser namin.

Nagkita ang lahat ng RO officers sa office. Sabi ng batcom namin na dahil walang pasok ay magpipicnic kami kasama ang mga cadet trainees. Kahit mga RO officers lang ang nag-uusap-usap ay halos buong klase namin ang sumama.

“Gem, gusto mo sumakay ng bangka? Magrerenta ako.” Tanong na yaya ni JC sa akin.

“Will you be my girl?” Tanong sa akin ni JC ng nasa bangka na kami.

<Previous Page <Home> Next Page>

———————————–
Do you like this story? Please share it to others and help us spread filipinoconnect.

  • Share/Bookmark

Bakit Ikaw Pa? Chapter 5

31.08.2009
09:11

Nagshake hands kami ni Mon at naging ganap ang pagiging magkaibigan namin. Nginitian ko siya at siya naman ay nakatitig lang.

Mesh, nasaan ka? Binitiwan ko kaagad ang kamay niya nang tawagin ako ng kuya Jun ko.

Andito ako sa may kusina kuya, bakit po?Sagot ko naman.

Heto nga pala ang mga shells na pinulot mo sa may tabing dagat. Naiwan mo sa bahay kanina. Mon, nandito ka pala, hanap ka na nila.Sabay abot niya sa akin ng mga shells.

Oo nga eh, bukas ko na lang sana kukunin kasi tinatamad na ako. Salamat sa pagdadala nito kuya ha.

Walang anuman. Nagkakilala na pala kayo ng kaibigan ko.

Oo pare, siya iyong sinasabi ko sa’yo sa may basketball court. ‘Lam mo na.Kindat ni Mon sa kuya ko. “Sige Mesh, nice meeting you again. See you later

Bye Mesh” paalam nilang dalawa.

Bye” tanging nasabi ko. Pinagkukuwentuhan pala nila ako ng mga kaibigan niya. Kahiya naman.

Pagkaalis nila ay pumunta na ako sa bahay nina Bebs. Ikwenento ko kaagad ang nangyari sa kanya. Sinabi ko sa kanya na magkakilala na kami nuong nakabangga ko sa may basketball court at magkaibigan na.

Sinabi ko sa kanya na Mon ang pangalan nung lalaking nakabangga ko. Ewan ko ba parang nahihiwagaan ako kay Bebs dahil parang iniiba niya ang usapan ng malaman niya kung sino iyong nakilala ko. Parang ayaw niya yata sa lalaking iyon. Parang galit yata siya kay Mon.

Niyaya ako ni Bebs na magpunta sa tambayan ng barkada nila. Madami akong nakilala duon at isa na ang bestfriend ni Bebs na si Melet. Mukhang mabait naman si Melet at palangiti. Nakagaanan ko kaagad ng loob.

Taga- Mindanao ka pala? Kumusta naman duon? Hindi pa ako nakakapunta duon. Sabi nila, maganda daw duon.Simulang pagtatanong sa akin ni Melet.

Oo taga-mindanao ako. Ok lang naman duon.Kimi kong sagot

Pangarap kong makapunta ng Mindanao. Saan ba kayo sa Mindanao? Excited niyang tanong.

Sa may Lanao kami.

Ganun ba. Gusto kong makapunta ng Davao. Dinig ko ay maganda daw duon. Tsaka madaming mga magagandang lugar na makikita.Pagkukuwento niya.

Hindi pa din ako nakakapunta ng Davao,e. Sigurado ako maganda duon.Sagot ko naman sa kanya.

Nice meeting you Mesh, tawag na ako ng mama ko. Sige bye. Paalam ni Melet sa akin.

Naisip ko ba’t sa dinami-dami ng lugar duon pa gustong pumunta ni Melet? Pero ok naman ang Davao. Isa sa tourist spot, kaya pihadong tama lang ang napili niya. Parang taga-Davao ata si Mon ah. Hmmm.

Pagkaalis ni Melet ay siya namang pagdating ni Mon.

Hi Micea! Ok lang ba na tawagin kitang Micea? Ang lahat kasi Mesh ang tawag sayo gusto ko maiba naman ako.Bati sa akin ni Mon.

Sure, ok lang. Name ko naman iyan. Hindi ako papayag kung tatawagin mo ako ng ibang pangalan kagaya ng Bebs o kaya naman Melet. Hehe” Biro ko.

Pero parang hindi yata siya natawa sa biro ko. Ano bang masama sa sinabi ko at naging blangko ang expression niya? Napaisip tuloy ako.

May nasabi ba ako na masama?Tanong ko kay Mon.

Ay wala naman. Masama bang maging seryoso? Sagot ni Mon. Pero ang totoo ay ang pangalang Melet ang nagpaiba sa mood niya.

Hindi naman.

Alam mo Micea, masaya akong makilala ka. Gusto kong maging tunay tayong magkaibigan na kahit ano pa ang malaman mo tungkol sa akin o ang malaman ko tungkol sa iyo ay hindi natin gagawing dahilan para masira ang pagkakaibigan natin. Seryosong tugon ni Mon

Napakaseryoso mo naman. Alam mo pareho lang tayong nagbabakasyon dito. Ilang linggo mula ngayon ay uuwi na tayo. Kaya huwag kang magseryoso dyan. Enjoy ka lang” Tugon ko naman.

Sa may di kalayuan pala ay nakatingin sa amin si Bebs at Melet.

Mukhang enjoy na enjoy ang kaibigan natin sa pakikipag-usap kay Mesh ah.Sabi ni Bebs kay Melet.

Oo nga. Kaya naman pala hindi na niya ako pinupuntahan sa bahay dahil busyng busy siya kay Mesh.Ngitngit na sabi ni Melet.

Balik sa amin ni Mon:

May disco sa bayan bukas, sama ka sa amin.” Paanyaya ni Mon.

Tanong ko muna sa mama ko. Baka di pumayag,e. Bawal kasi sa amin ang magpunta ng disco. Sige magpapaalam na ako ah. Maggagabi na eh. Bye” Sabay tayo ko at lumakad na.

Kinabukasan ay nagdasal na naman ang lola ko sa may simbahan.

Tinatawag ka ng Lola. Punta ka daw sa may simbahan.Sabi ng nakababatang kapatid ko.

Ano bang meron?Tanong ko sa kapatid ko.

May kasal e, may iuutos ata si Lola

Ah ganun ba.Ok na itong suot ko. Hindi naman ako papasok, sa labas lang ako.

Pagdating ko ng simbahan ay ang dami-daming tao pala. At nakita ko ang bride. Ang ganda niya at ang bata-bata tingnan. Nanlaki ang mga mata ko. Iyong nakatayo sa may altar si Mon iyon ah.

Bakit siya andito? Siya ba ang ikakasal? Iyon ba ang ibig sabihin nito sa sinabi niya kahapon. Para akong nanlumo sa aking nakita pero hindi naman ako sigurado. Apat kaya na lalaki ang nakatayo duon. Pero si Mon ang pinakadulo at pinakamalapit sa altar. Kadalasan sa nakikita ko sa tv iyon ang lalaking ikakasal ang sa may dulo. Sana panaginip lang ito.

In fairness ang gwapo-gwapo niya sa suot niya na barong tagalog samantalang ako nakapambahay lang. Ano ba naman ito. Nakakahiya naman. Sana hindi niya ako makita.

Nagsisimula na silang magmarcha. Nagbubulungan pa iyong mga kasama ni Mon. Nakita kong kinamayan si Mon nuong isang lalaki. Halos himatayin na ako sa kinatatayuan ko. Hindi ako makakilos. Lahat ng senyales ay nagtuturo na si Mon nga ang ikakasal.

Abangan bukas:

“Pakinggan mo na muna ang paliwanag ko Micea. Please” Pagsusumamo ni Mon.

“Wala kang dapat ipaliwanag. Ano ba ba tayo? Wala naman kaya umalis ka na.” Pagtatabuyan ko sa kanya dahil baka di ko na mapigil ang pag-iyak at makita niya ako.

<Previous Page <Home> Next Page>

  • Share/Bookmark

Ang Kwintas Chapter 2

30.08.2009
12:47

Maaga kaming umuwi galing sa eskwela kasi unang araw ng pasukan kaya nag-explain lang ang mga titser kung ano ang gagawin sa buong taon.

Makaraan ang isang linggo ay pumasok na kami sa aming duty. Binigyan na kami ng aming mga rank. 1st lieutenant ako at ang bestfriend ko, major ang pinsan ko na si Mark ,si May at JC ay Captain. Nice naman. Binigyan din kami ng schedule sa oras ng duty namin.

Kinahapunan ay nasa training ground kami. Sinabi ng commandant namin na simula sa susunod na linggo ay magtetraining na kami ng mga bagong cadet/cadette officers na papalit sa amin kapag nakagraduate na kami. Nagbiro pa ang commandant na makakaganti na rin kami sa pagpapahirap na ginawa sa amin ng mga nakaraang officers.

Panahon na naman para magtrain ng mga bagong officers para pumalit sa amin next year. Ang daming nag-enroll pero wala masyadong babae. Ang tatangkad naman ng itetrain natin. Kasi hindi ako ganun katangkad kaya nasabi ko iyon sa bestfriend ko. Pero kahit ganun ay hindi nila kami pwedeng smol-smolin. Officers yata kami at sila ay mga trainee lang. Charing!

Papauwi na kaming dalawa ng bestfriend ko ng may dalawang lalaking sumalubong sa amin.

Hi maam!” At nagsalute iyong dalawang lalaki sa aming dalawa ng bestfriend ko. Nakauniform kasi  kami ng RO uniform kaya high respect ang pinapakita nila, lalo na’t parang ang dalawang ito ay nag-aaply maging officers.

Carry on!” Sabay na sagot namin ng bestfriend ko.

Pwedeng makipagkilala maam? Ako nga pala si Chris” Sabi nung isang lalaki sa bestfriend ko. “At ito naman si Jonas, kaibigan ko.” At inabot ni Jonas ang kamay niya sa akin.

Sabay kaming nagshake-hands.

Pwedeng mag-apply?” Sabi ni Jonas sa akin.

Sure. Pwedeng-pwede. Malakas ba ang loob mo? Mahirap ang training.” Tanong na sagot ko naman.

Kailangan pa ba ng training para maging boyfriend mo?” Tanong niya kasabay ng pilyong ngiti.

Lakas naman ng loob mo ‘pre, hindi tayo talo.” Biro ko na lang kay Jonas dahil nagulat ako sa hirit nito. Alam ko naman na nagbibiro lang ito. Mukha kasing mahiyaan ito at parang tahimik kung tingnan pero iyon pala nasa loob ang kapilyuhan.

Hindi ako nagbibiro.

At sino naman nagsabi sa’yong nagbibiro din ako.” Tumaas konti ang kilay na sabi ko. Akala yata ng lalaking ito, e, oobra siya sa akin.

Kung gusto mo, tutulungan kita bukas mag-apply. Punta ka lang sa office at ihahanda ko ang mga papers na pipil-apan mo.” Pag-iiba ko ng usapan.

Ano ba ang requirements?

Wala naman masyado. Fill-upan mo lang iyong mga papers about you tapos waiver for your parents to sign na binibigyan ka nila ng permiso na sumali sa training.

Ah, ganun ba.

Oo, iyon lang. Sige uwi na ako. Bye” Paalam ko kay Jonas.

Hatid na kita.” Sabi nito. “Kasi si Chris parang nag-eenjoy yatang makigpag-usap sa kasama mo.

Kanina pa kasi niya kinakawayan ito na umalis na sila  at hindi pa rin natitinag.

Huwag na. Tsaka, ayaw ng mama ko na nakikitang may kasama akong lalaki, baka pagalitan ako. Sige bye na.” Umalis na ako, kinawayan ko na lang si Anne na nakikipag-usap pa rin kay Chris sa di kalayuan.

Kahit anong pilit ni Jonas na ihatid ako ay hindi ako nagpapilit. Makita pa kami ng mama ko at isipin na nagboboyfriend ako, lagot!

Strict kasi ang mama ko. Lalo na sa mga boyfriend-boyfriend stuff. Ayaw niya kasing mag-asawa ako ng maaga. Kadalasan daw kasi sa nagboboyfriend ay nabubuntis o kaya naman ay nag-aasawa ng maaga. Gusto raw kasi niya na makatapos kami ng mga kapatid ko ng pag-aaral at makakuha ng magandang trabaho. Pasasaan ba’t makakapaghintay daw iyang mga love love na iyan.

Kinabukasan ay nagduty na ako sa RO office namin. Nanduon si JC. Limang officer lang ang nanduon. Ang battalion commander namin na kaklase at kaibigan ko, si Anne, si Mark at isa pang major officer at si JC. Walang tuksuhan kasi anduon ang Commandant namin pero ang mga mata nila ay nanunukso pa rin.

Pumunta na ako sa mesa na inasign sa akin. Madaming pinaayos na papers sa akin ang Commandant namin. Secretary din kasi ang function ko sa office. Mga waiver ng parents at mga applications ang inayos ko.

Dumating si Jonas sa RO Office. Ang mesa kasi ni JC ang pinakamalapit sa pintuan kaya lumapit siya dito at nagtanong. Hindi ko napansin kasi sa may likod ng malaking cabinet ang mesa ko.

Sir, permission to speak sir” Tuwid na tuwid ang tayo ni Jonas at nagsalute.

Permission granted. Ano iyon?” Tanong ni JC.

Andito po ba si 1st Lieutenant Blanco sir?“ Tuwid pa din ang tayo na sabi ni Jonas.

Nagulat si JC, bakit nito hinahanap si Gem? Hindi din niya nakitang nag-aaply itong lalaking ito sa RO. Baka naman boyfriend ni Gem ito? Naisip ni JC.

Yes, go that way.” Sabay turo ng direksyon ng mesa ko.

Nagulat ako nang makita ko si Jonas. Hindi naman kasi pwedeng magkulitan kami dahil nasa office kami.

Maam” At nagsalute na naman siya.

Carry on! Anything I can do for you? Sit down.” Blangko ang mukha kong tugon sa kanya at umupo siya.

Maam, mag-aaply po ako to be a cadet officer trainee maam” pormal niyang sabi.

Ok, here’s the application. Fill it up and here’s the waiver for your parents to sign giving you permission to attend the training.” Walang kangiti-ngiti kong sabi.

Habang nag-fifill-up siya ay pinagmamasdan ko siya. Kung pagmamasdan mo ang taong ito parang di makabasag pinggan. Parang siya iyong tipong napakasarap mahalin dahil parang napakasafe mo sa kanya. Napukaw ang pag-iisip ko ng tawagin ako ni JC.

Yes, sir?” Kailangan kasing tawaging sir dahil mas mataas ang ranggo niya sa akin.

May mga bagong nagsend ng application. Pakisort out na lang iyong waiver at application.

Sabi na lang ni JC. Ang totoo ay gusto niyang masulyapan kung anong ginagawa ng dalawa sa mesa nito nung puntahan niya si Gem. Masama kasi ang pakiramdam niya dito. Parang hindi mapagkakatiwalaan iyong lalaking iyon. Nagseselos siya sa bawat lalaking napapalapit kay Gem. Hindi naman niya masabi ang damdamin niya dito. Nakita kasi niya ang dalawa na nag-uusap kahapon at tipong enjoy na enjoy si Gem na kausap ito.

Napakaseryoso naman ng  pagkakasabi ni JC. Kahit naman seryoso ay ang amo pa rin ng mukha niya.

Yes, sir

Sagot ko sa kanya at bumalik na sa aking mesa. Natapos na si Jonas ng bumalik ako sa mesa. Kinuha ko ang application niya at sinabing pag natanggap namin ang waiver ay pwede na siyang sumali sa susunod na training. Bago umalis si Jonas ay bumulong siya sa akin na hihintayin daw niya ako sa may gate ng school pero sinabi ko sa kanya na maghintay siya sa wala.

Next Chapter:

Nasa training ground kami at natanggap na ng office ang waiver ni Jonas kaya nakasali na siya sa sumunod na training.

Sinabi ng commandant na mag-one on one training kami. Tinawag na ang pangalan ng officer at sino ang trainee na makakapartner namin.

“1st Lieutenant Gemma Blanco pair with cadet trainee Jonas Robles” Sabi ng commandant na ikinakaba ng dibdib ko.

<Previous Page <Home> Next Page>

———————————–
Do you like this story? Please share it to others and help us spread filipinoconnect.

  • Share/Bookmark

Bakit Ikaw Pa? Chapter 4

30.08.2009
09:14

Namasyal na naman kami ni Bebs sa may dagat. Ang sarap kasi duon eh, parang nakakalimutan mo lahat ng problema. Ang peaceful talaga.

Nang papauwi na kami ay pumunta muna kami sa bahay ng isang lola ko. On the way kasi pauwi.

Hi La, mano po!” Sabay abot ng kamay ng isang lola ko.

Ikaw na ba iyan Mesh? Ang laki mo na ah. Ang natatandaan ko sa iyo ay iyong kakulitan mo at laging tumatakbong bata sa may basketball court. Kasama mo pala si Bebs.” Sabi ng lola ko.

Opo!”

La naman, siyempre dalaga na ako ngayon. Hindi na po ako masyadong tumatakbo. Haha!” Nahihiya kong biro.

Hay naku, dalaga ka na nga. Nahihiya ka na. Halika’t kumain muna kayo. Nagluto ako ng torta. Specialty ko iyan.”

Sige po!” At sumunod na kami ni Bebs sa may kusina.

Ang torta na tinutukoy ko ay parang malaking cupcake ang hugis na matamis at talaga namang walang kasing sarap.

Sa may kusina ay nanduon pala ang isa kong pinsan na taga-Davao at kumakain din.

Oy Mesh, andito ka pala.” Tanong ng kuya ko.

Opo, makikikain po ng torta.” At sabay kaming natawa.

Kailan kayo dumating?

3 days ago. Kasama mo mama at papa mo pati mga kapatid mo kuya?

Oo, may mga kaibigan din akong isinama ko. Kaso wala sila ngayon, nagpunta sa bayan. Nagliwaliw.”

Ah” Sagot ko, na siya namang pagpasok ni Lola Bina na may dalang mga torta.

Alam mo ang babait at ang matutulungin ng mga kaibigan nyan. May isa nga na laging nag-iigib ng tubig at ang galing pang magluto. Sinabi ko nga minsan na swerte ang babaeng mapapangasawa niya.” Pagmamalaking sabi ni Lola Bina.

Oo, sayang Mesh hindi kayo nagpang-abot ngayon at ipapakilala sana kita sa kanila. Magkakilala na sina Bebs.”

Ngiti lang ang tinugon ko. Tumango lang din si Bebs.

Habang kumakain ay panay ang kwento ko sa buhay ko sa Lanao at ang pinsan ko din ay nagkukwento tungkol sa buhay nila sa Davao.

Pagkatapos kumain ay nagpaalam na kami ni Bebs at siya namang pagdating ng tatlong motorsiklo pero hindi ko na nakita kung sino-sino iyon kasi nakahelmet silang lahat.

Sa bahay ni Lola Bina:

Dumating na pala kayo, Mon. Saan-saan kayo nakarating?Bati na tanong ni Lola Bina.

Nagpunta kami ng Tagbilaran. Wala kasi masyadong makikita kung sa may bayan lang. Bumili kami ng konting magagamit natin para sa piyesta.” Sagot naman ni Mon.

Sigurado ako hindi iyon ang sinadya niyo sa Tagbilaran. Mas madaming chicks sa Tagbilaran kamo.” Biro ng pinsan kong si Jun.

Sigurado iyan pare” Sabat naman nuong isang kaibigan nila na si Rick. At napuno ng tawanan ang buong bahay.

Naiwan pala ng pinsan mo ang mga pinulot niyang shells sa may dagat. Ihatid mo mamaya Jun sa may bahay nila.” Sabi ni Lola Bina ng makitang naiwan pala ni Mesh ang mga shells na pinulot nito sa may dagat na gagawing decoration sa bahay ng Lolo at Lola niya.

Yes La” sagot ni Jun habang tinutulungan sina Mon sa mga binili nila.

Sa bahay nina Micea:

Naku, naiwan ko pala ang mga shells. Bukas ko na lang kunin. Tinatamad na ako. Sabi ko sa sarili na sa kasalukuyan ay nasa kwarto na ako. Idedesign ko sana sa may salas ang mga shells na napulot ko sa may dagat.

Nagpamusic na lang ako ng mga love songs. Paborito ko kasi ang mga solemn love songs.

Enjoy na enjoy ako sa pakikinig ng:

Hay naku nagdala na naman ang kuya Paul ko ng mga bisita. Nasabi ko sa sarili ko dahil nasa kwarto lang ako nung mga panahong iyon. Nagkakantahan kasi sila sa salas at malapit lang iyong kwarto ko sa salas kaya rinding-rindi ako.

Bunsong kapatid ng Papa ko si kuya Paul. Binata pa kaya madalas gumimik. Madalas niya din kasama si kuya Jun at ibang pinsan ko na kasing edad lang niya.

Makaalis na nga lang. Sabay bangon ko at pumunta ako sa may kusina at kumuha ng maiinom bago umalis papunta sa bahay nina Bebs.

Hi! Kumusta?

Hindi pa ako lumilingon ay alam ko na ang boses na iyon. Sira na ang araw ko. Nasabi ko sa aking sarili.

Anong ginagawa mo dito sa bahay namin. Ako bay di mo titigilan ha.” Pagtataray ko kaagad kay Mon.

Niyaya lang kaming magkantahan ni Paul dito. Hindi ko naman alam na nasa iisang bahay lang kayo.” Pagkukunwari ni Mon pero ang totoo alam na alam niya.

Parang napahiya si Mesh kasi naman ang akala niya sinusundan siya nito.

Ah ganun ba. Sige na. Sige na. Baboo” sabi na lang nito at akmang aalis na.

Teka sandali” hinawakan nito ang braso niya. Ang lambot naman ng kamay. Kinilig si Mesh.

Ano na naman?taray niya ulit.

Can we be friends? Please!” At inilahad niya ang kamay niya kay Mesh.

Sige ka sasayaw ako dito ng sasayaw hanggat hindi ka nakikipagkaibigan sa akin.” Nagmacho dancing pa ba naman.Gusto na talagang matawa ni Mesh pero pinanatili niyang blangko ang expression niya. Patuloy pa din ito sa pagsasayaw.

Sige na nga, kulit mo eh. Makikipagkaibigan na ako sa iyo” Tanging nasabi ni Micea sa kakulitan ni Mon.

Inilahad ni Mon ang kamay niya kay Mesh at tinanggap naman ito ni Mesh. Hindi man niya ipinahahalata pero buong puso niyang tinatanggap ang pagkakaibigan nila ni Mon.

Thank you Mesh! I promise I will be a good boy.” Seryoso ang mukhang sabi ni Mon.

Ano bang pinagsasabi nito. Magkaibigan lang naman sila. Talaga nga naman o.

Same here” Iyon na lang ang nasabi ni Mesh.

Kasi nga naman halos hindi na siya makahinga sa kalas ng kabog ng dibdib niya. Magkaibigan na kaya sila. Ibig sabihin kapag nagkita sila hindi na tarayan at iwasan kundi batian na. Paano kung bumigay ang puso niya at mahalata nito na unti-unti na siyang nahuhulog dito? Patay! Malaking problema iyon. Nagbabakasyon lang siya. 3 weeks from now uuwi na sila. Balik sa dating buhay na naman. Wala nang Mon ang mangungulit. Wala nang Mon ang magbibigay kunwari init ng ulo niya.

Sa isip naman ni Mon, susulitin niya ang bawat panahong magkasama sila ng bagong kaibigan niya. Ano bang espesyal? Kaibigan lang di ba? Pero bakit susulitin? Argumento ng isip niya. Alam ni Mon na 3 weeks from now ay uuwi na siya nang Davao. Wala nang Mesh ang magtataray sa kanya. Wala na ding Mesh ang mangdedeadma sa kanya.

Abangan bukas:

“Tinatawag ka ng Lola. Punta ka daw sa may simbahan.” Sabi ng nakababatang kapatid ko.

“Ano bang meron?” Tanong ko sa kapatid ko.

“May kasal e,”

Nanlaki ang mga mata ko. Iyong nakatayo sa may altar si Mon iyon ah.

<Previous Page <Home> Next Page>

  • Share/Bookmark

Bakit Ikaw Pa? Chapter 3

29.08.2009
10:51

Kinabukasan ay nagkita kami ni Bebs sa tapat ng simbahan. Nakita namin iyong pinsan ko na kumanta sa palatuntunan kagabi at niyaya niya kami sa bahay nila para magvideo-k kami.

Nagvideo-k kami ng todo. Halos masira nga iyong bahay nila sa kakakanta naming tatlo. Kahit wala na sa tono walang pakialaman basta nagsasaya lang kami. Kinanta ulit ng pinsan ko iyong Hindi ako isang Laruan na talagang napakaganda naman.

Nag-emotional ako bigla, naalala ko si Mr Mayabang. Naalala ko ang mga mata niya. Ang napakabangong hininga niya na nalanghap ko nuong ang lapit na ng mukha niya sa mukha ko. Pati iyong mga tawa niya na kahit nang-aasar ay ang sweet pa din.

Erase-erase sabi ko sa isip ko. Bakit ko naman iniisip iyong mayabang na iyon. Kainis naman oh.

Sinundan pa iyon ng kanta ni Regine Velasquez na Till My Heartaches End na mas lalong nagpa-emotional sa scene. Pagkatapos ng mga limang kanta ay nagpaalam na ako. Hindi ko na kaya ang mga nakaka-emo na mga kantang ito.

Bago ako umuwi ay dumaan ako sa bahay ng isang Lola ko at bumili ng ice juice. May mga lalaking nagvideo-k din kasama ang mga uncle ko, mga pinsan ng tatay ko.

Pakiabot nga ito” sabi ng auntie ko kasi hindi makadaan dahil ang daming nagkakantahan sa sala.

Inabot naman ng isang lalaki.

Kapag minamalas ka nga naman,” Bulong ko sa aking sarili ng makita ko ang papalapit na lalaki.

Heto.” Abot niya sa akin.

Pahablot kung kinuha ang binili kong ice juice.

Hindi ka ba marunong magpasalamat?Tanong niya sa akin.

Marunong naman pero hindi sa iyo.” Galit kong tugon.

Bakit ba ang init ng dugo mo sa akin ha? Kalimutan mo na iyong nangyari nuong isang araw. Hindi ko iyon sinasadya. Sori nah!”

Tinitigan ko lang siya ng matalim.

My name is Raymond. You can call me Mon.” Pakilala niya na halatang nang-aasar dahil nag-eenglish pa.

I am not asking and I don’t care.” At umalis na ako.

Sa bahay ng isang lola ko ay naiwan si Mon na hindi makapaniwalang hindi umepekto ang pacharming niya.

Sino po ba iyong kabibili lang ng ice juice? Ang sungit naman po.” Tanong ni Mon sa auntie ko.

Ay, si Micea iyon. Nahiya siguro kaya dinaan na lang sa pagsusungit. Mabait naman ang batang iyon. Palakaibigan

Taga-rito po ba iyon? Ngayon ko lang napansin eh” Tanong ulit ni Mon

Hindi, taga-mindanao iyon. Nagbabakasyon lang din iyon dito.”Tugon ng auntie ko.

Ah ganun po ba. Saan po sa Mindanao?

Sa may Lanao sila. Ikaw, saan ka ba sa Mindanao?

Sa Davao po kami.”

Micea pala ang pangalan ni Miss Taray. Mabuti naman alam ko na ang pangalan niya kaso parang wrong start yata kung makikipagkaibigan ako sa kanya. Sigurado akong lalayo iyon ng kilo-kilometro papalapit pa lang ako. Naisip ni Mon habang nagkakantahan sila.

Pagkatapos magkantahan nina Mon ay nagyayang maglaro ng basketball ang mga kaibigan niya. Nakaisip si Mon ng idadahilan para makapuntaha sa bahay ng Lola ni Micea at nagbabakasakaling nanduon si Micea.

Micea’s Side:

Mon pala ang pangalan niya. Bagay sa kagwapuhan niya. At least ngayon hindi na ako manghuhula kung anong pangalan niya. Paano naman kami magiging magkaibigan nito eh tinatarayan ko lage? Sana po Dios ko gumawa kayo ng paraan.

Tok tok tok

Sino ba itong isturbo? Naisip ni Micea. Mag-isa lang kasi siya sa bahay nang mga oras na iyon. Ang lolo’t lola niya nasa simbahan nagdadasal ng novena. Ang mga auntie at uncle pati mga kapatid niya ay nagpunta ng chocolate hills. Ang papa at mama niya kasama ang isa pa niyang auntie ay pumunta ng bayan para mamili ng mga gagamitin sa piyesta.

Nagulat siya ng buksan niya ang pinto. Sagot na ba ito sa dasal ko Dios ko? Salamat po. Masayang naisip ni Micea pero hindi siya nagpahalata. War pa sila ng lalaking ito.

Anong ginagawa mo dito?Pagtataray na sabi niya.

Makikiinom lang sana ako, naubusan kasi ng ice water iyong tindahan eh. Pwede ba?Pakumbabang sabi ni Mon.

Kinilig si Micea. Ibig sabihin ba papasok ito at silang dalawa lang sa loob ng bahay? Pero hindi siya nagpadala sa charming voice nito.

Oo pwede. Pero dito ka lang. Kukuha ako. Sandali!Mataray pa din niyang sabi.

Pumunta siya ng kusina at kumuha ng isang baso at isang pitsel na tubig.

Bago siya bumalik sa may pintuan ay sinilip niya si Mon sa may bintana. Hindi naman siya nakita ng lalaki kasi nakatingin ito sa mga kasama niya na naglalaro ng basketball.

Ang gwapo mo pala talaga. Swerte ng girlfriend mo. Sana ako na lang. Pagpapatansya niya. Ano ba iyang pinagsasabi mo. Pinagalitan ni Micea ang kanyang puso. War tayo ng lalaking iyan. Huwag kang padadala. Pacute lang iyan.

Heto pala ang tubig.”

Uminom na siya. Tinitingnan ko siya habang umiinom siya. Kahit ba pag-inom mo ng tubig ay charming kang tingnan? Kainis ka. Sabi ng isip ni Micea.

Salamat ha. Siyanga pala ako si Mon, ikaw anong pangalan mo?pormal na pagpapakilala ni Mon.

Micea Jane pero pwede mo akong tawaging Mesh.” Sagot ko.

Nice meeting you Mesh. Pwede ba kitang maging kaibigan?

Naku madami ka na nun. Hwag kang magdrama.” Tanging nasabi ko na lang bago pa man ako madala ng pagpapacute niya na talaga namang nakakadala. “Sige na may gagawin pa ako. Tsupee

Biglang nalungkot si Mon. Akala pa naman niya ay makikipagkaibigan na ito sa kanya. Bakit parang naapektuhan siya sa madalas na pagdeadma ni Micea sa kanya. Dati naman nagpapakilala siya tapos kung maging kaibigan ok kung hindi naman ok din. Ang kaso nga si Micea lang yata ang kauna-unahang babaeng hindi interesadong maging kaibigan niya. Naiinis naman siya sa sarili dahil hindi niya matanggal sa isip niya si Micea na ni sa guni-guni ay ayaw siyang makasama.

Sa kabilang banda naman, nanghihinayang si Micea. Bakit hindi niya tinanggap ang pakikipagkaibigan ni Mon. Chance na sana iyon para matuwid ang maling impressions nila sa isa’t isa. Hindi naman masamang maging kaibigan si Mon. Mukhang mabait naman siya. Parang sincere pa sa pakikipagkaibigan sa kanya. Hayyy! Napabuntong-hininga na lang siya.

Abangan Bukas…

Hay naku nagdala na naman ang kuya ko ng mga bisita. Nasabi ko sa sarili ko dahil nasa kwarto lang ako nung mga panahong iyon. Nagkakantahan kasi sila sa salas at malapit lang iyong kwarto ko sa salas kaya rinding-rindi ako.

Pumunta ako sa may kusina at kumuha ng maiinom bago umalis papunta sa bahay nina Bebs.

“Hi! Kumusta”

Hindi pa ako lumilingon ay alam ko na ang boses na iyon. Sira na ang araw ko. Nasabi ko sa aking sarili.

“Sige na nga, kulit mo eh. Makikipagkaibigan na ako sa iyo” Tanging nasabi ni Micea sa kakulitan ni Mon.

<Previous Page <Home> Next Page>

  • Share/Bookmark

Ang Kwintas

29.08.2009
09:03

Chapter 1

Ako nga pala si Gem at ito ay mga tunay na pangyayari on my junior and senior year sa high school.

Kasalukuyan kaming nasa training ng RO para maging officer. Ang hirap ng training, lalo na ngayon dahil final training na. Kung sino ang magsusurvive ngayon sila talaga ang magiging officer next year.

Quit, Survive!” Sigaw ng Commander namin.

Survive!“ Sigaw ng lahat ng nagtetraining.

Gumagapang kami ng mga panahong iyon, bitbit ang mga rifles namin. Ang dumi-dumi na naming lahat. Nakakahiya din kasi ang daming mga estudyanteng nakatingin. Kahit tapos na ang klase ay hindi pa din nagsiuwian dahil alam nila na iyon ang araw ng final training ng RO.

Everybody, feet on the ground.” Sabi ng commander namin.

Mabilis kaming nagtayuan lahat. Pinagmarcha kami hanggang sa may harapan ng school na may dagat hanggang tuhod. Ang paaralan kasi namin ay malapit sa may dagat kaya bahagi ng school ay may hanggang tuhod na dagat kahit low tide. At maputik ang dagat na iyon.

My gosh, please huwag naman po.

Naisip ko. Nagdududa na kasi ako na baka pasusuungin kami duon sa may maputik na dagat na iyon.

Nangyari nga ang kinatatakutan ko. Pinasuong kami sa may dagat na iyon at pinagpretend na may kalaban daw kaya kaming lahat drop talaga sa maputik na dagat na iyon. Pero sinabi ko sa sarili ko konting tiis na lang at matatapos na din ito.

Pagkatapos duon sa may putikan ay pinakamatindi ang sumunod. Pinakain kami ng maanghang na chili. Talagang gustong makita ng officer ang buto ng chili. My gosh, what a torture! Kaya lahat kami naiiyak, ang anghang kaya.

Kinakain ko iyong ibang chili pero ang iba naman ay nilagay ko sa aking bulsa kapag hindi nakatingin iyong officer. Lumala pa dahil parang napisa yata duon sa legs ko kaya maanghang na din pati legs ko.

Quit, Survive!” Sigaw na naman ng commander.

Survive.” Sagot pa rin namin.

Gusto ko nang matapos ito. Bakit ba ang tagal ng oras? Sana po. Sana po. Laging nasa isip ko.

Ang dami pang mga pagpapahirap ang naganap. Sa wakas ay sinabi ng officer na magmarcha kami patungong gripo at sinabi na we all survived. Parang nabunutan ako ng tinik at nawala na iyong pagkakapatong ng daigdig sa balikat ko. Naghugas kami ng katawan kahit suot pa iyong uniform, para matanggal lang iyong maanghang na chili sa katawan namin. Hindi lang pala ako ang naglagay ng chili sa mga bulsa kundi lahat kami kaya pati sa may dibdib ay maanghang dahil nilagay nila ang chili sa breast pocket nila.

Nang matapos na kami ay nagyaya na ang isang pinsan ko na umuwi. Dalawang pinsan ko ang kasama ko sa training at pati din ang bestfriend ko.

Sa daan ay pinag-usapan namin ng mga pinsan ko ang mga nangyari sa training. Hindi kami makapaniwala na nagawa naming makasurvive. Ang hirap-hirap talaga ng training.

Oy, nakita ko laging nakatingin si JC sa iyo. Concern yata” Tukso nung isang pinsang babae ko na si May.

Naku, kahit ang hirap ng training panunukso pa rin ang nasa isip mo. Hehe” Kahit kinilig ay iyon ang nasabi ko.

Sus, kunwari ka pa. Sigurado ako kinikilig ka din dahil makakasama mo lage si JC sa office the whole year next year.” Patuloy na panunukso nung pinsan kong lalaki na si Mark.

Nagblush ako. Tama nga naman. Saka ko lang naisip na isa pala si JC sa mga nagsurvive, it means na iisa lang ang office namin next year kapag nagduty na kami. Kinilig na talaga ako ng sobra. Hindi na ako makapaghintay na matapos na ang pasukan at nang makapag enroll na kami.

Recognition day na namin and as usual ay akyat stage para sa honor ko. May mga best and most ribbons din.

Isang buwan din kaming nagbakasyon sa Bohol. Binigyan ako ng uncle ko ng kwentas dahil hindi niya ako nabigyan ng regalo nung paggraduate ko ng elementary.

Gising na babae,” sabay yugyog sa akin ng mama ko.

Anong oras na ma?” tanong ko.

6:30 na. Bumangon ka na dyan at nang hindi ka malate. Unang araw ngayon ng pasukan kaya hindi ka dapat ma-late nang hindi ka ma-late buong taon.

Parang pamahiin na kasi ng nanay ko na dapat hindi kami ma-late sa unang araw ng pasukan para hindi laging late sa buong taon. Tsaka malapit lang naman ang school, nilalakad lang namin kaya hindi masyadong maaga ang paggising namin.

Bumangon na ako at mabilis na naligo. Binilisan ko din ang kain ko. At last, makikita ko na din si JC. Crush ko kasi si JC, hindi ko lang sinasabi sa lahat at lalo lang kaming tutuksuin. Ang bestfriend ko lang ang may alam.

Gem, anong section ka?” Tanong sa akin nang bestfriend ko na si Anne.

Section 1 ako, ikaw?” Sagot na tanong ko din sa kanya.

Section 1 din.

Yehey!” Sabay kaming napatili. Siya namang pagdating ni JC kasama ang bestfriend niya na babae.

Oyyy” Tinukso na naman kami ng lahat. Nakita kong nagblush si JC. Maputi kasi kaya kitang-kita kapag nagbublush siya.

Hi, kumusta na?” Tanong ko kay JC na lalong ikinalakas ng tuksuhan.

Ok lang Gem, kumusta ang bakasyon mo. Nag-enjoy ka ba?” Ang mga tao sa paligid ay parang hihimatayin na talaga sa kilig pati ang mga titsers ay nakikisabay na rin.

Nuong nasa third year kasi kami ay lage na kaming tinutukso. Minsan niya kasing nasabi na ang cute ko sa damit ko nuong minsang free style Wednesday namin. Simula nuon ay hindi na nawala iyong tukso kapag nagkikita kami sa school o kaya naman nakikitang magkasama. Wala namang ibig sabihin iyon pero ang mga tao sa paligid iniba talaga ang meaning.

Ok lang, nagpunta na naman kami sa Bohol. Alam mo na sa place ng papa ko. Every year kasi iyan eh” Sagot ko sa kanya na kinikilig din naman sa tuksuhan ng mga kaklase at kaschoolmate ko. “Anong section ka?

Second section” sagot niya

Sayang! Sabi ng isip ko. Bakit hindi pa tayo naging magkaklase? Maktol naman ng puso ko.

Ay, ganun ba. See you around

Sige, ingat!” To the max na talaga ang tilian sa sinabi niyang iyon.

Ako naman ay talagang kilig to the bones. Inaya ko ang bestfriend ko na punta kaming canteen kasi binging-bingi na talaga ako sa sigawan ng lahat.

Grabe talaga ang mga supporters ng JC-Gem love team noh?” Biro ng bestfriend ko na si Anne.

Ewan ko ba. Bakit hindi na lang matapos-tapos iyan.

Gusto mo naman eh, I’m sure parang hihimatayin ka din sa kilig kanina.

Sureness to the max iyan bestfriend. Alam mo naman ang totoo.

Pagkatapos naming magkulitan ng bestfriend ko ay kumain na kami. Sinabi nung isa naming kaklase na pinapapasok  na daw ang lahat, kaya pumasok na kami ng bestfriend ko sa aming silid-aralan.

Next Chapter:

Panahon na naman para magtrain ng mga bagong officers para pumalit sa amin next year. Ang daming nag-enroll pero wala masyadong babae.

“Hi maam!” At nagsalute iyong dalawang lalaki sa aming dalawa ng bestfriend ko. Nakauniform kasi  kami ng RO uniform kaya high respect ang pinapakita nila, lalo na’t parang ang dalawang ito ay nag-aaply maging officers.

“Carry on!” Sabay na sagot naming ng bestfriend ko.

“Pwedeng makipagkilala maam? Ako nga pala si Chris” Sabi nung isang lalaki sa bestfriend ko. “At ito naman si Jonas, kaibigan ko.” At inabot ni Jonas ang kamay niya sa akin.

<Home> Next Page>

———————————–
Do you like this story? Please share it to others and help us spread filipinoconnect.

  • Share/Bookmark

Ang Kwintas Prologue

28.08.2009
18:54

Gem ===> nasa hanay ng mga matatalino at officer ng RO… madaldal

Jonas ===> hindi mahilig mag-aral, tipong tahimik at hindi masyadong nagsasalita sa klase

JC ===> kasama ni Gem sa RO, lageng ipinapares kay Gem at tinutukso sila.

Paano kaya ang storyang ito mabubuo? May love triangle kaya? Sinong magugustuhan ni Gem ang kasalungat ng kanyang kadaldalan na si Jonas o si JC na laging ipinapares sa kanya? Anong kinalaman ng kwentas na magbubuklod sa kanilang tatlo?

Nagsimula sa tuksuhan, nagkahulugan ng loob at naging magnobyo. Makaya kaya ng isa kung mawawala ang isa? Subaybayan niyo po ang kwentong ito na base sa totoong buhay.

Chapters:

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32 33 34 35 36 37 38 39 40 4142 43 44 45

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

*Copyright of FilipinoConnect! Please don’t repost to any site.

  • Share/Bookmark

Bakit Ikaw Pa? Chapter 2

28.08.2009
10:10

Pumunta na kami sa may tindahan at bumili kami ng softdrinks. Ang init kasi ng panahon. Habang umiinom kami ay nagsimula kaming magkwentuhan. Kahit bago pa lang kaming magkakilala ni Bebs ay gusto ko na siya. Ang gaan-gaan ng loob ko sa kanya. Mabait siya sa akin at tinotoo niya ang sabi niya na ililibot niya ako.

Pumunta kami sa may dagat. Nagpaligsahan kami ng pinakamaraming talon ng bato kapag hinagis namin ito sa dagat. Masayang kasama si Bebs. Hindi nauubusan ng kwento. Kwento din ako ng kwento tungkol sa buhay ko at sa school.

Hindi pala nag-aaral si Bebs, dala ng kakulangan ng pera. Parang hinaplos iyong puso ko. Sabi ko sa kanya kung may pera lang ako ay pag-aaralin ko siya. Nangako ako sa kanya na tutulungan ko siya sa abot ng aking makakaya kapag nakatapos na ako.

Gumagabi na kaya umuwi na kami. Pagdating ko sa bahay naghahanda na sila para sa hapunan.

Saan ka ba galing bata ka ha? Salubong na tanong sa akin ng mama ko.

Ay, dyan lang po sa tabi-tabi. Alam mo ma may nakilala ako. Bebs ang pangalan niya. Dyan lang siya nakatira sa may tapat ng stage.” Pasimulang kwento ko.

Mabait ang batang iyan. Masipag at matulungin sa magulang.” Sabat ng lola ko.

Oo nga po ma, ipinasyal niya ako sa may dagat at nagkwentuhan kami.”

Saan ba dyan iyong batang iyon ma?Tanong ng mama ko sa lola ko.

Hindi ko alam kung napansin mo iyang batang iyan. Kasi hindi palalabas iyan eh.” Sagot ng lola ko. “Sya cge tawagin mo na sila at ng makakain na tayo.” Utos sa akin ng lola ko.

Opo, La” Tugon ko.

Tinawag ko na ang lahat. Ang lolo, papa at mga uncle ko na nagkukwentuhan sa may harapan ng bahay, ang mga kapatid ko na naglalaro sa may tapat ng basketball court at mga ante at pinsan ko na nasa mga kwarto nila.

Habang naghahapunan kami ay panay ang kwentuhan namin. Nagkwento din ako sa bagong nakilala ko.

Pagkatapos naming maghapunan ay nagtulong ang mga babae sa pagligpit ng pinagkainan habang ang mga lalaki naman ay pumunta sa salas at nanuod ng tv.

Nang matapos ang pagliligpit ay pumasok na ako sa aking kwarto at nagpahinga na.

Kinabukasan ng tanghali ay pumunta ako sa bahay nina Bebs. Wala si Bebs kasi pumunta daw sa bayan para mamili ng mga gagamitin nila sa konting handaang gagawin nila sa piyesta. Sinabi ko na lang sa mama niya na pagbalik ni Bebs puntahan ako sa bahay namin. Nagpasalamat ako at umalis na.

Pumunta ako sa may tapat ng simbahan. May dalawang lalaking naglalaro sa may basketball court. Tumawid ako sa may gitna para pumunta sa may tindahan sa bandang kaliwa ng court. Dahil sa dalawang lalaki lang ang naglalaro, hindi ko inakalang iyong magkabilang bahagi ng court ay ginagamit nila kaya mahinhin akong naglakad.

Hoy” Tinulak ba naman ako.

Aba? Bakit mo ako itinulak?Galit akong humarap sa tumulak sa akin.

Kasi po, basketball court ito. Naglalaro kami, kaya tumabi ka dyan.” Pang-aasar na sabi ng tumulak sa akin.

Pwede niyo namang gamitin iyong isang court lang bakit dalawa pa. Akala mo naman ang gagaling. Pwee.” Balik kong pang-aasar sa kanya pero ang lakas na ng kabog ng dibdib ko.

Mahal na prinsesa pasensiya na po, ang tingin ko kasi dito ay basketball court hindi palasyo niyo kaya hindi po ninyo kami mapagsasabihan kung saan kami pwedeng maglaro.” Patuloy niyang pang-aasar sa akin at nag-aper pa sila nung kasama niya.

Isang malutong na sampal ang tumugon duon.

Parang napahiya yata sa ginawa ko at bumaling sa akin na nanlilisik na ang kanyang mga tingin.

Bakit mo ginawa iyon?Galit na tanong niya.

Ang bastos mo eh. Wala kang respeto sa mga babae.”

Bakit dalaga ka na ba? Hindi ka pa yata marunong maligong mag-isa eh.” Ang lakas ng tawanan nila nung kasama niya.

Sinampal ko naman siya.

Isa pa at hindi na kita palalampasin. Gusto mong makita kung ano ang bastos? Heto…” Hinawakan niya nang mahigpit ang mga balikat ko. Galit na galit ang mga mapupungay niyang mata at nakakatunaw ang mga titig niya. Ang lapit na talaga ng mukha niya sa mukha ko. Napapikit na lang ako.

Tumili ako at itinulak ko siya. Tumakbo akong pauwi ng bahay na hindi man lang lumilingon. Nahihiya ako, hindi ko alam kung paano pa ako lalabas ng bahay. Sana hindi siya tagarito at umuwi ng maaga para naman maging maayos na iyong bakasyon ko. Dalawang araw pa lang kami dito sira na ang bakasyon ko. Hindi na ako mag-eenjoy nito.

Kinagabihan ay pumunta si Bebs sa bahay namin. Sa may labas sana kami ng bahay magkukwentuhan pero inaya ko na lang siya sa loob ng kwarto ko baka kasi makita ko iyong lalaking iyon. Nakakahiya. Parang hindi ko yata kayang makita siya ulit.

Pumunta ka pala ng bayan kanina?” Pabungad na tanong ko kay Bebs.

Oo, kasi maghahanda kami ng kahit konti man lang sa piyesta. Punta ka ha.” Sagot ni Bebs.

Oo naman, siyempre. Punta ka din dito. Alam mo na taun-taon naghahanda sina lola para sa piyesta. Lahat ‘ata ng tao dito naghahanda eh. Hehe” Natawang pag-anyaya ko din sa kanya.

Alam mo may nangyari kanina.” Simulang pagkukwento ko.

May tumulak ba naman sa akin. Nakakainis talaga. Binastos ba naman ako at akmang hahalikan pa ako. Swerte niya. Ang unang lalaking makakahalik sa akin ay ang tru lab ko. Hindi iyong walang modong kagaya niya.”

Bakit ka naman itinulak?

Akala ko kasi, iyong isang side lang ang ginagamit nila kaya hinay-hinay lang iyong lakad ko.”

Sino ba iyong lalaking iyon?

Hindi ko alam eh, pero sana hindi na kami magkita. Nahihiya ako. Nasampal ko ng dalawang beses.”

Huwag kang mag-alala baka kakilala ko iyon. Kasing edad lang natin ‘ka mo?

Oo, kasing-edad lang natin pero hindi ko pa nakita iyong lalaking iyon dati.”

Tinapos ko na ang pagkukwento. Naku, hindi ko na sasayangin ang laway ko sa lalaking iyon.

Nagyaya si Bebs na lumabas kami dahil may palatuntunan daw sa may stage. Nagdalawang-isip pa nga ako baka makita ko iyong lalaking iyon duon. Kinakabahan akong umo-o kay Bebs.

Nakaupo kami sa may bakod ng simbahan. Kitang-kita at dinig na dinig naman ang palatuntunan kahit duon lang kami. Kasali pala ang pinsan ko at kinanta niya iyong Hindi Ako Isang Laruan kaya sumisigaw-sigaw kami at pumapalakpak. Ganda talaga ng boses ng pinsan ko, manang-mana sa akin. Naks! Ganda din ng kanta.

May mga nagsisigawan din na grupo ng lalaki at babae sa bandang kanan ng bakod. Nagpapalakpakan at nagtitilian sila sa bawat performer. Nilingon ko saglit, hindi ako sigurado pero parang iyong lalaking iyon ang nakaaway ko kanina ang isa sa mga iyon. Hindi na lang ako nagpahalata kay Bebs. Masasayang lang iyong gabi ko kapag pinansin ko pa. Buti na lang at hindi din yata kami napansin.

Sa grupo ng babae at lalaki…

Pare, nakita mo iyong dalawang babae nakaupo sa may bakod? Sa kaliwa natin.” Tanong nuong lalaking bumangga sa akin sa kasama niya. “Huwag niyong tingnan para di tayo mahalata na pinag-uusapan natin sila.” Kasi lumingon na lahat ng mga kasama niya sa amin.

Ay, si Miss Taray pare.” Nag-aper na naman sila.

Sinong Miss Taray?Tanong nung isa niyang kasama na babae.

Nakita mo iyong nakapink na mahaba ang buhok na kasama ni Bebs?Kasalukuyan kasing nakapink ako, in fairness favorite color ko.

Oo, nagbabakasyon lang iyan dito. Nakatira iyan kina Lola Natty. Apo niya iyan. Anak nung pangatlong anak niya na lalaki. Bakit, interesado ka ata?

Oy, hindi ah. Ang taray kasi. Parang kanya iyong basketball court. Kung makalakad parang nasa pageant. Hehe.” Natatawang sagot nung lalaking nakaaway ko.

Pare, si Dots na ang susunod” Sabat nung isang kasama nila. Kasali pala ang tropa nila sa paligsahan kaya nanduon silang magbabarkada.

Nang matapos na ang palatuntunan ay umuwi na kami ni Bebs. Nag-usap kami na magkita sa tapat ng simbahan kinabukasan.

Abangan Bukas…

“Kapag minamalas ka nga naman,” Bulong ko sa aking sarili ng makita ko ang papalapit na lalaki.

“Heto.” Abot niya sa akin.

Pahablot kung kinuha ang binili kong ice juice.

“Hindi ka ba marunong magpasalamat?” Tanong niya sa akin.

“Marunong naman pero hindi sa iyo.” Galit kong tugon.

“My name is Raymond. You can call me Mon.” Pakilala niya na halatang nang-aasar dahil nag-eenglish pa.

“I am not asking and I don’t care.” At umalis na ako.

<Previous Page <Home> Next Page>

  • Share/Bookmark

Bakit Ikaw Pa?

27.08.2009
16:12

Chapter 1

“Mesh, tapusin mo na ang pag-iimpake mo dyan, maaga tayo bukas” bungad ng mama ko pagkabukas niya ng pintuan.

“Bakit naman kasi kailangan pa akong isama. Malaki na naman ako. Kaya ko na ang sarili ko. Tsaka hindi ako mag-eenjoy duon.” pagmamaktol ko.

“Sasama ka sa ayaw at sa gusto mo. Sinong magbabantay sa iyo dito. Ikaw lang ang maiiwan kung saka-sakali. Tapos ayaw mo nuon madami kang makikitang magandang tanawin at magiging bagong kaibigan.” Paliwanag ng mama ko.

“Oo na, oo na.” Pagtatapos ko sa usapan dahil alam ko hahaba na naman ito at mauuwi sa sermon. Na kesyo walang magbabantay sa akin at baka kung saan-saan ako magsuot walang sasaway.

“O sige, iset mo ang alarm clock ng 4am baka maiwan tayo ng barko. Mabuti nang maaga para kung may mga problema sa daan, hindi tayo kukulangin sa oras. Pagkatapos mo dyan matulog ka na rin.” Bilin ng mama ko bago siya lumabas ng kwarto.

Taun-taon kami nagbabakasyon sa Bohol. Duon kasi ang hometown ng papa ko. Maganda nga naman duon at sariwa ang hangin. Napakagusto ko duon ay sa tuwing isasama ako ng lolo ko sa may dagat. Sa daungan ng mga mangingisda ay nagpapalitan sila ng kung anu-ano. Hindi masyadong ginagamit ang pera. Kung may pera mabuti at kung wala naman ay mainam na iyong mga pagkain tulad ng bigas, gulay at prutas. Minsan naman mga asin, bagoong at iba pa na magagamit pantawid gutom.

Pangingisda at pagsasaka ang karaniwang ikinabubuhay ng mga tao sa Bohol. Sa lugar ng lolo ko, kamoteng-kahoy ang kanilang madalas na itinatanim. Mainam kasing gawing puto o kaya minatamis na puto. Iyon madalas ang panghalili sa kanin.

Nuong bata nga ako naranasan kung tumira sa Bohol ng mga ilang buwan. Mahirap ang buhay. May panahong wala masyadong isda at kung walang ulam, ginagawa naming ulam ay candy o kaya luya o kaya naman sibuyas. Napakaanghang kapag hindi ka sanay at kapag nasanay ka na masarap din naman.

Ang tingin ko ay kamag-anak ko lahat ng mga kapitbahay namin. Hindi ko nga alam kung sino ang hindi ko talaga totoong kamag-anak. Kaya madalas pinagsasabihan ako ng mama ko na mag-ingat sa pagnonobyo baka kasi pinsan ko lang ang maging nobyo ko.

“Hoy, anong iniisip mo dyan?” Panggugulat na tanong sa akin ng nakababatang kapatid ko. Kasalukuyan kaming nasa barko at nakatingin ako sa dagat habang minumuni ko ang nakaraan.

“Wala. Tinitingnan ko lang ang mga dolphins. Ang ganda noh. Tingnan mo?” Turo ko na siya namang pagtalon ng dolphins.

“Sabi ni lola hindi daw pwede na ituro kasi lulubog ang barko.” Sabi ng kapatid ko.

“Naku, maniwala ka naman. Ilang tao na kaya ang gumawa nun. Lakas mo talagang maniwala sa mga sabi-sabi.” Natatawang sabi ko, sabay siko sa kapatid ko.

“Mesh, huwag kang mag-alala, mag-eenjoy ka rin. Alam ko gusto mo maiwan kasi magwowork ka sa government as summer work pero maganda din naman magbakasyon. Nag-aral na nga tayo ng sampung buwan iyong dalawang buwang bakasyon magtatrabaho ka pa.”

“Oo nga, pero gusto ko naman na maranasan magtrabaho. Malay mo makakadagdag iyon sa experience ko at pag nakatapos na ako ng college ay hindi na ako mahihirapan in terms sa work experience.”

“Darating ka rin dyan. Halika, punta tayo sa may restaurant sabi may banda daw na tutogtog.”

“Ok.” Sabay sunod na sa kapatid ko.

Umakyat na kami sa may second floor ng barko. May banda nga na tumutogtog at mga love songs ang kanilang kinakanta. Habang papasok ako ay isa sa paborito kong kanta ang tinutogtog nila. Nakikisabay na ako sa kanila habang paupo ako.

Kahit na nagmumukhang tanga, kahit na sinasaktan ako

Umiiyak ako dahil sayo, heto pa rin ako halos baliw sa iyo”…..

Dahil mahal, mahal na mahal kita, hindi ako matatakot, mahihiya

Anuman ang sabihin nila, dahil mahal kita

Dahil mahal, mahal na mahal kita.

Gagawin ko ang lahat, pangako mo lang di ako iiwan.

Dahil mahal, mahal na mahal kita.” Sabay ko sa kanila na damang dama ang kanta.

Kahit hindi pa ako nagkakaboyfriend at hindi ko pa naranasan ang umibig ay damang-dama ko ang kanta. Kahit sino naman kapag narinig ang kantang iyon ay talagang mag-eemotional ng hindi oras. Pagkatapos ng tatlo pang kanta ay nagyaya na ako na bumalik na sa aming cabin para makapagpahinga na.

Habang nakahiga ako ay hindi ako makatulog. Iniisip ko kung ano ang gagawin ko pagdating namin para malibang naman. Sigurado akong puro kaboringan na naman ang meron duon. Hayyy. Napabuntong-hininga ako nang wala man lang akong maisip kahit isa.

Maggagabi na ng tawagin ako ng mama ko para maghapunan. Gustong-gusto ko kapag nagbabakasyon kami kasi ang daming dala ng mama ko na baon. Ang pinakapaborito ko ay ang adobong manok at baboy na pinaghalo. Ang sarap ng kain namin.

“Pagkatapos nating maghapunan, magpahinga na kayo para mamayang alas-dose pagdaong ng barko hindi kayo masyadong pagod. May dalawang oras pa tayong bus ride bago makarating sa bahay ng lolo at lola niyo.” Bilin ng papa ko sa aming magkakapatid.

“Opo.” Sagot naming magkakapatid.

Dumating kami sa bahay ng lolo at lola ko ng 2am. Kahit nakatulog ako ay inaantok pa rin ako.

Sinalubong kami ng lolo at lola ko. Kahit 2am pa lang ay nagkwentuhan na agad sila. Sinabi ko naman na matutulog muna ako dahil inaantok pa ako.

Kinaumagahan ay nakita kong nasa mesa na silang lahat. Sabi ng mama ko ay hindi na niya ako ginising kasi tulog na tulog ako. Uminom lang ako ng tsokolate at nagpaalam na. Maglilibot ako, baka sakaling may makilala ako at maging kaibigan na kasing edad ko.

Umupo ako sa may tapat ng simbahan. Ang bahay kasi ng mga lolo ko ay nasa tapat ng simbahan at ang gilid naman ng simbahan ay basketball court kung saan ginaganap ang disco kapag may piyesta. At sa kabilang tapat ng simbahan ay stage kung saan duon ginaganap ang mga palatuntunan kagaya ng amateur contest o kaya dance contest.

Kasalukuyan kung tinitingnan iyong mga bata na naglalaro ng habulan. Ang saya nilang pagmasdan. Nauuhaw ako kaya tumayo ako at bibili sana ng maiinom ng may bumangga sa akin.

“Ay” Tili ko.

“Sori ha. Hindi ko sinasadya.” Narinig kong sabi ng bumangga sa akin. “Tulungan na kita” Sabay bigay ng kamay niya para abutin ko.

“Salamat! Siyangapala ako si Micea. Mesh for short. Ikaw? Ano nga palang pangalan mo?” Pagpapasalamat at pagpapakilala ko.

“Ako nga pala si Vivian, pwd mo akong tawaging Bebs.” Sagot naman niya. “Nagbabakasyon ka lang ba dito? Ngayon lang kasi kita nakita eh.”

“Oo, taga Mindanao ako. Dyan lang iyong bahay ng lolo at lola ko.” Sabay turo ko sa bahay ng mga lolo ko. “Pwede ba kitang maging kaibigan? Wala pa kasi akong kakilala dito eh at tsaka gusto ko namang mag-enjoy habang nagbabakasyon kami.”

“Huwag kang mag-alala. Ililibot kita dito at ipapakilala kita sa ibang mga kaibigan ko. Kasing-edad lang din natin. Sigurado ako mag-eenjoy ka dito.”

“Salamat Bebs. Halika bili tayo ng maiinom, nauuhaw kasi ako” yaya ko sa bagong kaibigan ko.

“O cge. Libre mo ha?” Biro niya at sabay kaming natawa.

Abangan Bukas…

“Hoy” Tinulak ba naman ako.

“Aba? Bakit mo ako itinulak?” Galit akong humarap sa tumulak sa akin.

“Kasi po, basketball court ito. Naglalaro kami, kaya tumabi ka dyan.” Pang-aasar na sabi ng tumulak sa akin.

“Mahal na prinsesa pasensya na po, pero hindi po ito palasyo niyo.” Patuloy na pang-aasar niya sa akin. Isang malutong na sampal ang tumugon duon.

“Isa pa at hindi kita palalampasin” Hinawakan niya nang mahigpit ang mga balikat ko. Galit na galit ang mga mapupungay niyang mata at nakakatunaw ang mga titig niya. Ang lapit na talaga ng mukha niya sa mukha ko. Napapikit na lang ako.

<Home> Next Page>

  • Share/Bookmark

Bakit Ikaw Pa? Prologue

26.08.2009
18:05

Sina Mon at Micea ay nagkakilala sa Bohol ng pareho silang magbakasyon.

Wrong timing ang unang pagkikita ng itulak ni Mon si Micea. Kahit humahanga siya sa binata ay tinatarayan ni Micea ito. Unti-unti silang nagkakalapit ng loob ng madalas silang lumabas at mamasyal. Ilang beses nang sinabi ni Mon na mahal niya si Micea pero hindi maamin-amin ni Micea ang damdamin niya.

Isang araw, kahit hindi magkasintahan ay nagtanan ang dalawa. Hindi pa din masabi ni Micea ang tunay niyang nararamdaman kay Mon hangga’t isang araw ay binalak niya na sorpresahin si Mon at sabihin na dito ang damdamin niya. Paano niya masasabi kung umalis na ito ng hindi man lang nagpapaalam sa kanya? May happy ending pa kaya kung matuklasan niyang engage na ito sa dating girlfriend?

Basahin niyo po. Base sa totoong storya.

Chapters

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32 33 34 35

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

*Copyright of FilipinoConnect! Please don’t repost to any site.

  • Share/Bookmark
Powered by WordPress and Artsavius Theme